Monday, January 4, 2010

KATOLIKO KA BA?

KATOLIKO KA BA?
(Paanyaya sa lahat tungo sa tunay na Simbahang Katoliko)

PAUNANG SALITA

Sa mga naglilingkod sa Misa, mga lider, pangulo, “coordinators”, opisyal at sa iba pang mga Katolikong nagsisipag-simba,

Tungkulin ng bawat Kristyanong Katoliko ang mag-akay ng maraming kaluluwa sa kaligtasan sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang pananamplatayang pang-relihiyon at pang-espiritual (4th commandment [for parents]). Itinuturo mo ba sa iyong asawa at mga anak ang tamang relihiyon at gawaing pang-espiritual? Tinuturuan mo ba ang iyong kapatid at mga mahal sa buhay? Tinuturuan mo ba ang iyong kapitbahay at mga kaibigan? Iyan ay hindi isang “option”. Iyan ay isang tungkulin. Ano na nga ba ang iyong naituro sa mga taong iyong nasasakupan?

Mula noon hanggang ngayon, nananatili ang habilin ni Kristo, na paulit-ulit nating tinatanggap sa banal na Misa “Humayo kayo (ng payapa) at magpakarami” (Go in peace and multiply). Ang pagdami ay hindi sa bilang ng anak, kundi sa bilang ng mga mananampalaya na natuturuan ng tama at wasto ayon sa turo ng simbahan. “Magpakarami”, na ang ibig sabihin ay mamunga (be fruitful), mag-tawag at mag-akay ng madami pang tao sa kaligtasan. Inuulit ko, hindi iyan isang “option”. Iyan ay isang napakahalagang tungkulin, lalong-lalo na ng mga lider ng simbahan at mga namumuno sa lahat ng organisasyong pang-relihiyon. Nagagampanan mo ba ang iyong tungkulin?

KATOLIKO KA BA?

Ito ang katanungan sa madaming tao na nagpapanggap o di kaya’y naniniwala (sa pansariling kaalaman) na sila nga ay Katoliko. Ano nga ba ang basehan upang ikaw ay matawag na isang Katoliko? Bagama’t malawak ang paksa sa pagiging Katoliko, nawa ang mga sumusunod ay makapagbigay ng simple, payak at diretsong (simple & straight truth) kaliwanagan sa mga mambabasa.

Una sa lahat, ikaw ay Katoliko kung ikaw ay bininyagan bilang isang Katoliko, sa loob ng simbahang Katoliko, pinamunuan ng paring Katoliko, at gumamit ng opisyal na dasal at rito ng Katolikong simbahan. “Binyag”, ang unang sakramento na karaniwang tinatanggap ng Katolikong Kristyano. Syempre pa, ang katibayan nito ay nahahayag sa isang papel - “Baptismal Certificate”.

Matapos ang binyag, Katoliko ka na ba? Oo, isa ka ngang Katoliko ngunit may tungkulin ka sa sarili – ang panatilihin mo ang iyong sarili na banal na Katoliko. Hindi mo kaya ang maging banal sa pansariling kakayahan lamang. Kailangan mo ang Simbahan upang matulungan kang maging banal. (Tungkulin ng simbahan – magturo, mamahala at magpabanal [to teach, to govern and to sanctify]). Kaya kung ikaw ay kikilos at mamumuhay sa labas ng pangangalaga at turo ng simbahan, mahirap makamit ang pagiging isang Banal na Katoliko.

KUMIKILOS BA AKO SA LABAS NG PANGANGALAGA AT TURO NG SIMBAHAN?

Ang kilos at pamumuhay mo ay matatawag na labas sa turo at aral ng simbahan kung may “pagsuway” (disobedience) sa itinakdang utos ng Simbahang Katoliko. Kung may pagsuway, ito ay nangangahulugang ikaw marahil ay Katoliko sa binyag (at sa papel) ngunit hindi sa gawa at tamang pamumuhay. “Pagsuway” ang unang kasalanang pumasok sa mundo at sumira sa relasyon ng Diyos at tao (Disobedience, the first sin that entered the world). “Pagsuway” ang pisikal na manipestasyon ng “kayabangan” at “kasamaan” (Disobedience, the physical manifestation of pride and evil). “Pagsuway”, ito ang bulong ni satanas sa mga tao (tukso/temptation). “Pagsuway” ang unang itinuro ng ahas (satan) kay Eba at Adan (unang mga magulang). Hanggang sa ngayon, patuloy ang panunukso sa ating mga Kristyanong Katoliko na sumuway. Kung ikaw ay may pagsuway, isa itong pagmamalaki sa Simbahan (pride- a capital sin), isa itong pagtalikod sa Diyos (refusal to God and to the Holy Spirit), isa itong paglapastangang karumal-dumal sa Diyos (Abomination to God). Ano-ano ang iyong mga pagsuway sa turo at aral ng Simbahang Katoliko? Paano mo itutuwid ang iyong mga pagsuway?

ILAN LAMANG SA MGA KARANIWANG PAGSUWAY:
- Ikaw ba ay kumukunsulta sa mga manghuhula, magtatawas, albularyo, bolang kristal, “tarot cards”, astrology (not to be confused as astronomy), mangkukulam, itim na karunungan (walang puti, lahat ng uri ng “divination” ay itim), lahat ng uri ng pag-alam sa hinaharap, etc.?
- Ikaw ba ay kumukunsulta sa mga “trance”, pagtawag sa mga yumao, espiritista/“medium”, pagtawag at pakikipag-usap sa mga espiritung gumagamit sa pangalan ng mga kilalang santo, anghel, propeta maging sa mga gumagamit ng pangalan ng Sto.Nino, Mahal na Birhen at ni Hesus (at gumagamit at nagtatago sa pangalang “Ama” o “Amang Dakila”), etc.?
- Ikaw ba ay gumagamit ng mga ritwal o panalanging kakaiba na hindi ayon sa turo at aral ng Simbahang Katoliko?
- Ikaw ba ay kumikilos na animo’y sinasapian (trance/possession) ng kung sino-sinong espiritu at kaluluwa na ipinagbabawal ng Simbahan maging ano man ang layunin (Catechism of the Catholic Church [CCC] no.2117 - … even if this were for the sake of restoring their health are gravely contrary to the virtue of religion..).
- Ikaw ba ay sumasampalataya sa mga “objects of goodluck”, anting-anting “amulets & talisman” (bato, kristal, kahoy, salamin, etc.), lucky charms, love charms (gayuma), etc.?
- Ang mga pagsuway mo bang ito ay itinuturo mo pa sa iba, lalong-lalo na sa mga kabataan? (nagdudulot ng lalo pang higit na kasalanan at kapahamakan sa madaming kaluluwa).
- Ikaw ba ay dumadalo sa mga pagtitipon na hindi sakop at hindi ayon sa Simbahang Katoliko?
- Ikaw ba ay nakiki-isa sa (animo’y) misa na hindi sakop ng “tunay” na Simbahang Katoliko? (Tandaan na ang layunin ni Kristo at ng Simbahang Katoliko na Kanyang itinatag ay ang pagkaisahin ang mga Kristyano laban sa masama. Kung ang iyong samahan ay kumikilos sa labas ng utos ng Simbahan, at nagdudulot ng pagkakabukod [sa halip na pagbubuklod] sa mga taong sumasampalataya, iyan ay maliwanag na pagsuway at isang gawain ng kaaway [enemy of souls]).
- Ikaw ba ay kaanib ng samahang gumagamit ng pangalang pang-relihiyon na nagdudulot ng kalituhan (confusion) sa mananampalataya, sa halip na kaliwanagan? (“Confusion”, one of the devil’s tactics).
- Ikaw ba ay may gawaing hindi nagpapasakop sa Simbahang Katoliko, sa mga lider nito at mga itinalagang mga lokal na pinuno (Obispo, pari, delegated leaders of parishes and sub-parishes)?
- Ikaw ba ay nagtutuon ng mas maraming oras at mas mahalagang pansin sa ritwal, sa halip na sa pagdalo sa tunay na Banal na Misang Katoliko?
- Ikaw ba ay nakikinig sa mga kababalaghan at misteryosong mga kwento at aral sa halip na mag-aral ng tunay na turo at katesismo (at mga babala at paala-ala) ng Simbahan?
- Ikaw ba ay hindi lubos na nakiki-isa sa gawain ng Parokyang nakakasakop sa iyong lugar, nang may tamang pagsunod sa Kura Paroko (Parish Priest) na itinalaga ng Simbahan upang mangalaga sa pangangailangang pang-espiritwal?

MAGSURI KA NG IYONG MGA PANINIWALA AT GAWAIN. AYON BA ANG LAHAT NG ITO SA SIMBAHANG KATOLIKO?

KATOLIKO KA BA?


Bro.Arnold
KSB Team Leader

Friday, October 30, 2009

Maka-Kristyano ba ang halloween?

ANO NGA BA ANG HALLOWEEN?
TURO BA NG SIMBAHAN ANG HALLOWEEN?
MAHALAGA BA ANG PAGDIRIWANG NG HALLOWEEN KAYSA
TAMANG PAGDIRIWANG NG ARAW NG MGA SANTO AT
ARAW NG MGA KALULUWA?

Marami ang Katoliko sa pananampalataya ngunit hindi lubusang nauunawaan ang marami sa kanilang mga nagisnang paniniwala. Marami sa katoliko ang hindi lubusang umuunlad sa pang-espiritwal na pamumuhay. Marahil ay di sapat ang pag-aaral ng tamang doktrina at katesismo ng simbahan. Bagama’t dumadalo sa Banal na Misa kung araw ng Linggo, marami ang nananatiling mangmang sa tamang turo ng simbahan dahil sa kakulangan ng pag-aaral o di kaya’y sa katigasan ng ulo. Ang katigasan ng ulo ay isa sa mga bagay na bumubulag sa maraming mananampalataya. Pinaniniwalaan nilang tama ang kanilang mga nagisnan mula pagkabata, na di umano’y turo ng mga nakatatanda na kung pag-aaralan ay hindi turo ng simbahan o kaya nama’y labag sa tunay na aral ng Banal na Bibliya.

Ang “Knights of Saint Benedict deliverance team” ay naglalayon na imulat ang marami sa mga bagay na naglalayo sa tao sa Diyos dahil sa pagsuway (disobedience). Ang pagsuway, bunga ng “pride” ay nag-uugat sa turo at bulong ng kaaway ng kaluluwa, ang demonyo. Naninindigan ang “Knights of Saint Benedict” sa kahalagahan ng pagsunod (obedience) at katapatan sa simbahang Katoliko (Fidelity to the Catholic Church) upang malayo sa tukso at pananakit ng masasamang espiritu.

Ang turo ng simbahan: SUMUNOD KAY KRISTO. MANALIG AT MANAMPALATAYA SA DIYOS.

ANG HALLOWEEN BA AY PAGSUNOD KAY KRISTO? NAGPAPAKITA BA ITO NG PANANALIG AT PANANAMPALATAYA SA DIYOS?

Ang sagot, HINDI. Kung hindi ito turo ng simbahan, kung hindi ito nagpapakita ng pagsunod kay Kristo na manunubos, kung hindi ito gawain ng nananalig at nananampalataya sa Diyos, sino ang may turo nito? Sa pagdiriwang ng Halloween, sino ang nalulugod, ang Panginoon ba o ang kaaway ng kaluluwa?

Nalulugod ba ang Panginoon sa pagtutulad ng mga Kristiyano sa kanilang sarili sa mga halimaw, multo, at iba pang mga nakakatakot na nilalang? Nalulugod ba ang Panginoon sa pag-halintulad natin sa mga kasuotan (costume) at mga anyo ng mga masasamang nilalang habang pumaparada sa kalsada?

Kung pumarada sa kalsada sa pamamagitan ng relihiyosong prusisyon ng mga imahen ng mga santo at larawan ng Birheng Maria at ni Hesus, hindi ba’t ito’y paraan ng pagdiriwang ng kaluwalhatian ng Diyos sa katauhan ng mga santo nang sila’y nabubuhay pa sa lupa? Paano kung ang iparada sa kalsada ay mga maskara at kasuotan ng mga halimaw, multo at mga nilalang na may sungay, padiriwang pa rin ba ito ng kaluwalhatian ng Diyos? O ito’y isang pagdiriwang ng “kultura ng kamatayan at kasamaan sa mundo” (culture of death)?

ANO ANG HALLOWEEN? Mula sa “All hallow’s eve”, ang gabi bago ang Araw ng mga Santo (Nov.1). Ang mga gawain dito ay walang kaugnayan sa Kristyanismo. Ang mga gawain dito ay kahalintulad ng mga kaugalian ng sina-unang Celtic at Druid “practices” na kung saan ang “Halloween” ay pista ng pagdiriwang at pagpupuri kay Samhain (tunog “sow’en”) na isang panginoon ng kamatayan (Lord of Death). Maging ang namana nating “trick or treat” ay kasama sa mga gawaing may nakatagong motibo (hidden evil motives) upang maghasik ng lagim ang masasamang espiritu.
Hango mula sa St.Padre Pio Deliverance Center:
“One source of trick or treat aspect of Halloween is from the belief that on this night, evil spirits, demons & witches would roam to greet the season of winter darkness. These “spirits” would be mischievous & threatening, scaring & playing tricks on people. Today, we seem to encourage kids to perform vandalism & other crimes or mischief. The Celtics believe that the only way to drive away these mischievous spirits was to bribe them with treats or dress up & act like them”.

Sa halip na ipagdiwang ang “culture of death”, itinuturo ng simbahang Katolika ang pag-aaral sa buhay ng mga santo upang maging inspirasyon ng mga Kristyano ang kanilang pamumuhay noon kung paanong sila’y sumunod sa mga yapak ni Kristo nang may buong pananalig at pagtitiis hanggang kamatayan. Itinuturo din ng simbahan na sa panahong ito ng pagdiriwang sa pista ng mga santo at araw ng mga kaluluwa, ang mga “tunay” na Kristyano Katoliko ay magkaroon ng banal na pagdiriwang ng okasyon sa pamamagitan ng makabuluhang pagdalo sa Banal na Misa at pag-aalay ng mga panalangin upang matulungang maligtas ang marami pang kaluluwa sa purgatory.
Bro.Arnold

PAGPALAIN NAWA TAYO NG PANGINOONG LUMIKHA AT ILIGTAS TAYO SA LAHAT NG MASAMA. AMEN.
San Benedicto, ipanalangin mo kami.

Thursday, October 15, 2009

(Ecce Crucem Dei!) Behold The Cross Of The Lord! Flee you forces of evil!

This is one very powerful one-liner prayer which, in fact is a part of a deliverance prayer everyone should use most especially in times when evil is being suspected to infest us, our household and our family members.

Turn to Christ. Go back to His Church, the One, Holy, Catholic and Apostolic Church. (Obedience and fidelity to the church!).

From all these, let us start to face our spiritual battle as soldiers and believers of Christ!

LET ME PRAY FOR THIS BLOG/POST.

Almighty Father in heaven, in the name of Jesus our Lord, bless this "blog" project. Protect this project and keep this away from the power of the enemy of souls. Let this "blog" continue as you will it, so we may continue to serve you, your church and your people by way of fighting evil brought about by the devil who from the beginning is a "prince of lies" and "master of deceit", murderer, tempter and accuser. Guide all the visitors, viewers, contributors of this "blog" and deliver us all from any evil. Send us Your Holy angels and saints to pray for us and intercede for us especially in times when we need them most. May this project reach more people, families and children and let evil tremble in fear as we declare our sincere love for You.

May the almighty God the Father, through the name of our Lord and Savior Jesus Christ, bless us all, deliver us from evil and bring us to ever lasting life. Amen.
Our Father... Hail Mary... Glory be... Amen & amen.

PS. Send in your concerns, queries, cases & experiences, present situations concerning spiritual warfare and how God shows His love and mercy in every situation. God bless.

Bro. A.